Campaign coordinator sa pagka-alkalde sa Maitum, Sarangani patay sa pamamaril

by Radyo La Verdad | May 8, 2016 (Sunday) | 1002

MAITUM-ZAMBOANGA
Patay ang campaign coordinator ng isang kandidato sa pagka-alkalde sa Maitum, Sarangani matapos itong pagbabarilin kaninang tanghali.

Nakilala ang biktima si Carino Milayaw, 39-anyos, residente ng Barangay Tanuadatu, Maitum, Sarangani.

Sugatan naman ang kasama ni Milayaw na si Arman Lapian na nagmamaneho ng sasakyan habang nakaligtas ang asawa nito na si Aniza sa pamamaril.

Ayon kay Maitum Police Station Police Chief Senior Inspector Jaime Chavez, binaril ulo ang biktima ng dalawang suspek.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo walang plaka.

Si Milayaw ang campaign coordinator ni Elsie Perrett na kumakandidato sa pagka-alkade.

Hindi pa naman masabi ng otoridad kung may kinalaman sa pulitika ang pamamaril.

(UNTV NEWS)

Tags: