250,000 halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa Lanao Del Sur

by Erika Endraca | November 11, 2020 (Wednesday) | 171

Aabot sa P250,000 halaha ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga otoridad sa bayan ng Picong, Lanao Del Sur kahapon (Nov. 10).

Naharang sa checkpoint ng Barangay Miculado ang 1 Toyota Innova na may kargang ibat-ibang brand na sigarilyo na nakatago sa ilalim ng mga relief goods.

Inaresto naman ang driver ng van na kinilalang si Mantar Ali at ang ayudante nito na si Halim Ondi ng walang maipakitang karampatang papeles. Ang mga imported na kontrabando ay mula Dipolog at ibebenta sana sa Marawi City.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng Bureau Of Customs (BOC) ang mga smuggled na sigarilyo habang inihahanda naman ang kasong isasampa laban sa mga suspek.

(Mariane Joyce Marco | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,