26 floats, lalahok sa float competition ng Panagbenga 2017

by Radyo La Verdad | February 20, 2017 (Monday) | 1313


Umakyat na sa 26 ang nakatakdang lumahok sa isasagawang float competition bilang highlight ng pagdiriwang ng 22nd Flower Festival sa Baguio City.

Ayon sa organizer ng event, inaasahang madadagdagan pa ito dahil marami pa ang nagpapahayag na nais sumali sa patimpalak.

Hindi man malaki ang inaasahang premyo, binubuhusan pa rin ng oras at pagsisikap ng ilan ang taunang flower festival.

Ilan sa mga bulaklak na itatampok dito ay ang iba’t-ibang variety uri ng chrysanthemum, anthurium, lilium, malaysian mums, orchids, green balls at iba pang indigenous plants gaya ng moss.

Sa guidelines na inilbas ng Baguio Flower Festival Incorporated para sa mga sasali sa competition, dapat ay 90% natural materials ang gagamitin sa disenyo ng mga float.

Sa isang lugar dito sa Baguio City makikita ang mga ginagawang float na may iba’t-ibang tema gaya ng may mga hayop, landscaping at game of thrones theme na lubos na pinaghandaan ng Baguio Country Club na kabilang sa hall of famer ng float competition.

Sa Sabado naman ay ang inaabangan na ang grand street dancing na lalahukan naman ng 12 paaralan mula sa public schools sa lungsod.

(Bradley Robuza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,