3 lalake, sugatan matapos maaksidente ang sinasakyang motorsiklo sa Lipa, Batangas kagabi

by Radyo La Verdad | November 8, 2018 (Thursday) | 6287

Masuwerteng gasgas lang ang tinamo ng mga magkakabarkada matapos maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Ayala Highway, Barangay Balintawak sa Lipa, Batangas kagabi.

Ayon sa mga biktima, galing silang Batangas City at patungo sana ng Malvar nang biglang lumabas sa isang kanto ng Ayala Highway ang isa pang motorsiklo na tinamaan nila sa likurang bahagi dahilan upang mawalan sila ng kontrol sa manibela.

Agad namang nilapatan ng UNTV News and Rescue Team ang mga gasgas sa tuhod at binti ng mga biktima na sina Romel de Asis, Juan Carlo Maldorado at Tristan Samonte na tumanggi nang magpadala sa ospital.

Samantala, nagkasundo naman ang dalawang panig na magkaayos na lang at hindi na magreklamo sa pulisya.

 

Tags: , ,