3 milyong Pilipino, posibleng maapektuhan kapag napabayaan ang Angat Dam ayon kay Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | July 22, 2015 (Wednesday) | 898

PNOY SONA
Tiniyak ni Pangulong Aquino na lalo pang mapakinabangan ng mga mamamayan na naktira sa Luzon ang serbisyo na naitulong ng angat dam sa kuryente, tubig at pangkabuhayan.

Ayon kay Pangulong Aquino, tatlong milyon ang mapeperhuwisyo kapag tuluyang mapapabayaan ito.

Buhat pa ng taong 1960 aniya ay wala pang naisasagawang rehabilitasyon dito kaya naman kailangan na ng strengthening project.

Natuklasan din aniya ng PHIVOLCS na malapit ang Angat Dam sa bahagi ng West Valley Fault.

Dahil dito, malapit aniya sa peligroso ang mga nakatira malapit sa Dam.

Ang naturang rehabilitasyon ay posibleng matapos sa loob ng dalawang taon.

Ayon pa kay Pangulong Aquino, bago man lamang umano matapos ang kaniyang termino ay dapat maumpisahan na ang angat dam at dykes strengthening project.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)