3 Otso Diretso candidates, tinanggap na ang pagkatalo sa Senatorial race

by Radyo La Verdad | May 14, 2019 (Tuesday) | 294

METRO MANILA, Philippines – Tinanggap na nina Otso Diretso candidates na sina Samira Gutoc, Pilo Hilbay at Romy Macalintal ang kanilang pagkatalo sa senatorial race.

Sa isang pahayag, sinabi ni Macalintal na nirerespeto niya ang desisyon ng taumbayan kung sino ang kanilang ibinoto.  Nagpasalat rin ito sa kanyang mga taga suporta, pamilya at kapartido.

Nagpasalamat din si Hilbay sa lahat ng tumulong sa kanya sa kampanya, kay Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.

Sa isang video message naman nag-concede si Gutoc, sinabi nito na tanggap niya ang kinalabasan ng botohan.

Tags: , ,