3-year  food logistics action agenda ng DTI, inaprubahan ni PBBM

by Radyo La Verdad | August 31, 2023 (Thursday) | 1512

METRO MANILA – Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 3-year food logistics action agenda ng Department of Trade and Industry (DTI).

Pangunahing layon nito na matiyak na mayroong mabibiling murang pagkain ang  mga Pilipino at makukuha ang tamang produkto sa tamang oras.

Nakapaloob sa action agenda ang mga istratehiya upang ito ay maging matagumpay.

Kabilang na ang pag-revolutionize ng food distribution system ng bansa, pagbawas sa transport at logistics costs, pagdaragdag ng pamumuhunan sa logistics infrastructure partikular para sa transportasyon, storage, at pagtugon sa problema sa supply chain.

Tags: ,