30K job opportunities, binuksan ng DOLE nationwide

by Radyo La Verdad | December 10, 2021 (Friday) | 5037

METRO MANILA – Nasa 30,000 Local at Overseas Job opportunities ang makukuha sa Hybrid Job Fair ng Department of Employment (DOLE).

Ito ay Nationwide, na pinasimulan sa National Capital Region (NCR) noong December 6, at ang mga naghahanap ng trabaho ay may pagkakataong makapanayam ang mga employer.

Ito rin ay nangyayari sa iba’t ibang rehiyon at ito ay magtatapos sa December 13, 2021. Bukod rito maaari ring gawin online ang pag-a-apply at mayroon ding face-to-face meeting sa iba’t ibang bansa.

Pinapayuhan ang publiko na pumunta sa www.ble.dole.gov.ph para sa impormasyon ng mga job fair.

Sa kabilang banda, mayron namang 7,000 na trabaho sa ibang bansa na available sa Europe at Asia. Gaya ng Kusinero, Waiter, Nurse, atbp. Itong mga Job Opening na inaalok ay nasa UK, Germany, at Japan.

Lahat na mga naghahanap o nawalan ng trabaho ngunit gusto magtrabaho ngayon ay qualified silang sumali. Bukod sa National Capital Region, nagkarondin ng limited face-to-face at online Job Affairs sa Bicol Region, at Zamboanga Peninsula.

(Peter John Salvador | La Verdad Correspondent)

Tags: