312 Illegal Chinese nationals, na-deport na – BI

by Erika Endraca | November 15, 2019 (Friday) | 1034

METRO MANILA – Dineport na ng Bureau of Immigration (BI) ang mahigit 300 undocumented Chinese Nationals.

Ang mga ito ay kasama ang mga undocumented aliens na nahuli ng BI sa Pasay City noong October 9 na umano’y sangkot telecommunications fraud.

Isinakay ang mga ito sa 5 chartered eastern flights Kahapon (Nov 14) pabalik sa China.

Ang mga natitirang illegal aliens na may nationality na Burmese, Malaysian, Vietnamese, Taiwanese at Indonesians na sangkot din sa telecommunications fraud ay inilipat na sa BI warden facility sa Bicutan mula sa police holding center sa camp Bagong Diwa sa Taguig.

Ito ay habang hinihintay ang pag-release ng kanilang deportation orders at clearance

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: