331 na bilanggo, napaglingkuran sa libreng medical mission ng UNTV at MCGI sa Baras Municipal Jail sa Rizal

by Radyo La Verdad | June 25, 2018 (Monday) | 3127

Sa ikalawang pagkakataon, nagsagawa ang Members Church of God International (MCGI) at UNTV ng libreng medical mission sa Baras Municipal Jail sa probinsya ng Rizal.

Ito ay binubuo ng siyamnapu’t limang preso, lima rito ay babae. Karaniwang karamdaman ng mga nakapiit dito ay ubo, hika, mga skin diseases at dental problems.

Gaya na lamang ni Kuya Chris na sinamantala ang pagkakataon na makapagpabunot ng ngipin.

Umabot naman sa tatlong daan at tatlumpu’t isa ang napaglingkuran sa libreng medical, dental at optical check-up na may kasamang libreng salamin.

Nagkaroon din ng libreng legal consultation para sa mga bilanggo na nais na maikonsulta ang kanilang mga kaso.

 

( Jennica Cruz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,