4 Malaysians na dinukot ng ASG, pinalaya na

by Radyo La Verdad | June 9, 2016 (Thursday) | 428

AFP
Nakalaya na ang apat na Malaysian crew members na dinukot ng Abu Sayyaf Group sa Sabah noong nakaraang Abril.

Sa initial na ulat ng Armed Forces of the Philippines o AFP, dinala ang magkapatid na sina Wong Teck Kang at Wong Teck Chii, at pinsang sina Johnny Lau Jung Hien at Wong Hung Sing sa baybayin ng Brgy Lagasa Higat sa Sulu at saka isinakay sa speedboat papuntang Sandakan, Sabah.

Di pa naman matiyak ng AFP kung binayaran ng pamilya ng mga biktima ang dalawampung milyong pisong ransom na hinihingi ng ASG.

Matatandaang pabalik na sana ang apat sa Sandakan nang dukutin ito ng walong gunman na lulan ng speedboat noong April 1.

(UNTV RADIO)

Tags: ,