4 notorious solvent at marijuana user sa Maynila, arestado

by Radyo La Verdad | October 9, 2017 (Monday) | 1353

Arestado ang apat na lalaki matapos ma-aktuhang gumagamit ng marijuana at solvent sa Rd.5, Punta Sta. Ana, Maynila pasado alas nuebe kagabi.

Kitang-kita pa sa CCTV ng Barangay 905, Zone 100 ang paghithit ng mga suspect ng marijuana na sina Christian Cabilin, 19 anyos, Agustin Cabilin, 24 na pawang nasa drug watchlist ng barangay.

Kasama rin sa mga naaresto sina John Paul Sanchez 19, at Junjun Caharop, 22 anyos na nasa loob ng isang tricycle.

Ayon kay Barangay 905 Chairman Edwin Zambrona, matagal nang inirereklamo ang mga suspek dahil na rin sa panggugulo sa lugar. Dahil dito, nagtulong-tulong ang mga tanod ng barangay upang madakip ang mga suspect.

Pumalag pa ang isa sa mga suspect, pero agad rin siyang pinalibutan ng mga rumespondeng tanod. Na-recover sa mga suspek ang apat na sachet ng marijuana, solvent, mga alak, at ice pick.

Sa ngayon ay nakakakulong na sa Santa Anna Police Station ang mga suspek.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,