4 patay sa sunog sa isang dental clinic sa Quezon City

by Radyo La Verdad | December 3, 2015 (Thursday) | 1317

SUNOG
Apat ang nasawi sa sunog 15th Avenue St. corner main avenue Brgy. San Roque sa Quezon City madaling araw ng huwebes

Kinilala ang mga nasawi na sina Heizel Bucad 30- anyos, Rodolfo Bucad 50-anyos, Tricia Bucad 29-anyos at Gracita Bucad 55-anyos.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-tres ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa 2nd floor ng dental clinic at idineklarang fire out bandang ala-5:04 ng umaga.

Ayon kay Fire Marshall Jesus Fernandez ng BFP Quezon City Fire Department, hinihinalang napabayaang naka-plug na appliancesang pinagmulan ng apoy sa isang maliit na laboratoryo.

Sinabi ni Fernandez na suffocation ang dahilan ng pagkamatay ng apat na biktima sa sunog na umabot lamang sa unangalarma.

Nahirapan ang mga bumbero na kunin ang mga biktima dahil sa masikip na daan kaya kinailangang pang basagin ang salamin para makapasok sa loob ng klinika.

Kabilang ang UNTV sa rumesponde sunog na tumupok sa mga ari-arian na nagkakahalaga ng isang daang libong piso. (Reynante Ponte/UNTV News)

Tags: , , ,