4 sa 10 Pilipino, naniniwalang hindi dapat magbitiw si Pangulong Aquino – Pulse Asia  

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 2937

PNOYNOFAULT2-031315

8 sa 10 Pilipino ang naniniwalang hindi sapat ang naging paliwanag ng Administrasyong Aquino sa January 25 Mamasapano operation.

Batay sa March 2015 Pulse Asia Survey, 79% sa mga Pilipino ang nagsasabing hindi nakuntento sa naging paliwanag ng kasalukuyang Administrasyon sa Mamasapano incident  at 10% naman ang kuntento.

Positibo naman ang naging pananaw ng Malakanyang ukol dito.

Ngunit sa kabila nito malaking porsyento o nasa 44% pa rin sa mga Pilipino ang nagsasabing hindi dapat magbitiw sa pwesto si Pangulong Aquino.

4 sa 10 mga Pilipino naman ang tutol sa pagpapasa ng panukalang Bangsamoro Basic Law.

Malaking porsyento sa mga tumututol dito ay mula sa Mindanao Region.

Isinagawa ang survey sa 1, 200 respondents sa kalagitnaan ng mga isyu at imbestigasyon sa madugong operasyon sa Mamasapano.  ( Nel Maribojoc , UNTV News Worldwide )

Tags: , ,