4,000 pulis, ipakakalat sa Metro Manila para sa seguridad ng Martial Law anniversary bukas

by Radyo La Verdad | September 20, 2018 (Thursday) | 2239

Apat na libong pulis ang ipakakalat ng pambansang pulisya sa Metro Manila para sa Martial Law anniversary bukas.

Partikular na babantayan ng mga pulis ang mga lugar kung saan may mga kilos-protesta upang maiwasan ang anomang kaguluhan.

May naka-standby din na isang libong pulis na agad na idedeploy sakaling kailanganin. Ipatutupad naman ng PNP ang “no permit, no rally policy”.

Tags: , ,