Tumanggap ng ayudang pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office XII (DSWD FO XII) ang 46 na mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Alabel, Saranggani Province, nitong Lunes (Marso 1).
Ang mga dating rebelde na naapektuhan din ang pamumuhay dahil sa pandemya, ay tumanggap ng P5,000 cash assistance sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD.
Kabilang din sa pinagkalooban ng tulong pinansiyal ay ang mga naging biktima ng gulo na dulot ng mga rebeldeng NPA.
Sa kabuoan, nasa mahigit 200 na indibidwal na binubuo ng mga dating rebelde at mga biktima ng digmaan sa nasabing lugar ang tumanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.
Ayon kay Amor Danway, 21 taong gulang, isa sa mga dating rebelde na nakatanggap ng tulong, sumapi siya sa rebolusyon dahil sa pangakong bibigyan siya ng magandang buhay at libreng edukasyon.
Ngunit napatunayan niya na hindi ito totoo dahil sa halip na siya ay makapag-aral ng libre, ay tinuruan siya na humawak ng baril at makipagdigma laban sa gobyerno.
Nagpapasalamat siya na walang masamang nangyari sa kaniya noong kasapi pa siya sa kilusan.
Samantala, nasa mahigit 200 residente naman ng Banga, South Cotabato ang tumanggap ng P3,000 cash at food packs mula sa pamahalaan.
Bahagi pa rin ito ng kampanya ng gobyerno upang malabanan at tuluyang matuldukan ang mga gawain ng mga rebelde sa nasabing lugar.
Ayon kay DSWD Regional Director Cezario Joel Espejo, nagpapakita ito na hindi titigil ang pamahalaan na hikayatin ang mga rebelde na tigilan na ang pakikipagdigma at magsimula na ng bagong buhay.
“We are all for peace. And we will not stop until we achieve it,” pahayag ni DSWD Regional Director Espejo.
(Raymund David | La Verdad Correspondent)
Tags: NPA
METRO MANILA – Walang namo-monitor na banta ang Philippine National Police (PNP) sa pagdiriwang ng anibersaryo ng New Peoples Army (NPA) ngayong araw.
Gayunpaman, sinabi ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo na nakahanda pa rin sila sa ano mang posibleng mangyari.
Dagdag ni Col. Fajardo, nagdeploy na din ang PNP ng dagdag pwersa sa mga rehiyon na mayroong presensya ng NPA.
Ipinaa-assess na din aniya ni Chief PNP sa Regional Directors ang mga lugar na kanilang nasasakupan para maiwasan ang katulad na insidente sa Masbate kung saan nakapaglunsad ng pag atake ang NPA malapit sa eskwelahan.
“Yung ating mga maneuver forces po from the public safety forces po natin ay idadagdag at ipapadala natin sa mga areas na identified at vulnerable po sa atrocities at harassments po “ ani Pnp Spokesperson, PCol. Jean Fajardo.
Muling nabawasan ang pwersa ng New People’s Army (NPA) matapos na sumuko ang isang platoon leader at 2 pang kasamahan nito sa Sultan Kadarat nitong Miyerkules (August 3).
Kinilala ang mga sumukong lider na si Hadji Jok Marianing at 2 kasama nito na tinatawag na Joker at Leslie na pawang kasapi ng East Daguma front ng NPA na nag-ooperate sa Central Mindanao.
Ayon kay 37th Infantry Battalion Lt. Col. Allen Van Estrera, piniling sumuko ng mga ito matapos mahikayat ng gobyerno sa pamamagitan ng programa para sa mga sumukong rebelde.
Gayundin, aniya, ang kakulangan ng suporta mula sa mga lider ng NPA.
Kasalukuyang sumasailalim ang 3 sumuko sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Isinuko rin ng mga ito ang isang M16 rifle at isang .45-caliber pistol.
(Jasha Gamao | La Verdad Correspondent)
Tags: NPA, Sultan Kudarat
Boluntaryong sumuko nitong Martes, February 2, ang isang red fighter ng New People’s Army sa Northern Samar Police Provincial Office.
Ayon kay PLTCOL Rafael Tabayan, Force Commander, kinilala ang surrenderee na si “Ka Ester” na kabilang sa SR-ARTIC na nagoopera sa mga bayan ng Mapanas, Gamay, at Lapinig sa Samar.
Isinuko din ni “Ka Ester” sa mga pulis ang isang kalibre 45 baril, magazine, at ammunition.
Ipinahayag ni Ka Ester sa mga pulis na sa loob ng anim na taon sa NPA, wala daw umanong nakitang mabuting naidulot ang kaniyang pagsali sa rebeldeng grupo bagkus ay naghirap pa ito, kaya minabuti na nitong sumuko sa mga awtoridad at kumalas sa tiwaling organisasyon.
Nakahanda naman ang lokal na pamahalaan na tulungan si Ka Ester na makabangong muli sa pamamagitan ng mga livelihood programs, at mga tulong pinansiyal na ipinagkakaloob sa mga rebeldeng magbabalik-loob sa gobyerno.
Samantala, binigyan naman ng ultimatum ni Matuguinao, Samar Mayor Aran Boller ang mga rebeldeng NPA ng hanggang February 15 upang sumuko sa mga awtoridad.
Sinabi ng alkalde na maari nilang gamitin bilang witness ang mga naunang sumukong dating rebelde upang matukoy ang mga natitira pang mga miyembro ng NPA na hindi susuko sa itinakdang ultimatum.
Liban sa pagsasampa ng kasong paglabag sa anti-terrorism act, ay maari din silang ideklarang persona non-grata sa kani-kanilang mga lugar.
(Syrix Remanes | La Verdad Correspondent)
Tags: NPA