5 patay sa gas explosion sa apartment building sa Rio de Janeiro

by Radyo La Verdad | April 6, 2016 (Wednesday) | 4042
gas explosion sa Rio de Janeiro(REUTERS)
gas explosion sa Rio de Janeiro(REUTERS)

Lima ang nasawi sa pinaghihinalaang gas explosion sa isang apartment building sa Rio de Janerio.

Siyam ang iniulat na nasugatan sa pagsabog.

Ayon sa civil defence agents posibleng sanhi ng pagsabog sa unang palapag ng gusali ang nag-leak na gas line na pag-aari ng state gas company.

Ayon sa ilang residente, mahigit isang taon na nilang inirereklamo ang na-aamoy na gas sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng insidente.

Tags: , , ,