50 patay sa pamamaril sa Florida, USA

by Radyo La Verdad | June 13, 2016 (Monday) | 968
Photo Courtesy: Reuters

Photo Courtesy: Reuters

Itinaas na sa 50 ang bilang ng namatay sa pamamaril sa loob ng isang nightclub sa Florida, USA.

Itinuturing ito ng mga otoridad na pinakamalalang insidente ng mass shooting sa Estados Unidos dahil sa dami ng nasawi at sugatan.

Kabilang sa 50 na nasawi ay ang itinuturong gunman sa insidente na si Omar Saddiqui, Mateen na isa umanong security guard na US citizen na may mga magulang na nagmula sa Afghanistan.

Bukod sa mga namatay, nasa 53 pa ang nasa mga pagamutan dahil sa pamamaril.

Iniimbestigahan na ng otoridad kung isang uri ng ‘hate crime’ kontra sa LGBT community o isang terror act ang nasabing insidente.

(UNTV RADIO)

Tags: ,