50th Anniversary ni Superstar Nora Aunor sa showbiz, ipinagdiwang ng kanyang fans at mga katrabaho

by Radyo La Verdad | October 16, 2017 (Monday) | 5495

Limampung taon na mula nang magsimulang mamayagpag sa show business si Superstar Nora Aunor.

Sinundan ng publiko ang kanyang kwento mula sa kanyang humble beginnings hanggang sa makilala ito bilang mahusay na mang-aawit at aktres. Isang selebrasyon naman ang inihanda ng kanyang fans para ipagdiwang ang kanyang golden anniversary.

Ibinahagi ng mga Noranian kung bakit nila hinangaan ang superstar. Nagbigay naman ng mensahe ang ilang mga kasamahan sa industriya ng superstar.

Samantala, bilang tribute kay Nora, isang dokumentaryo na pinamagatang “Tagahanga” ang dapat abangan ng publiko bago magtapos ang taon.

Hindi naman nakalimutan ng superstar na tumanaw ng utang na loob sa kanyang mga tagasuporta.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,

Leave a Reply