5M na target mabakunahan vs COVID-19 sa Bayanihan Bakunahan 3, hindi naabot ayon sa DOH

by Radyo La Verdad | February 21, 2022 (Monday) | 4336

METRO MANILA – Umabot sa 3.5 million na mga Pilipino lang ang nabakunahan sa isinagawang Bayanihan Bakuna 3 noong February 11-18.

Ayon sa Department of Health (DOH), naging hamon ang kakulangan sa healthcare workers dahil nakatalaga rin sila sa pagbabakuna sa mga batang 5-11 taong gulang.

Kaya naman ayon kay Health Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire, kailangan nilang gumawa pa ng ibang stratehiya upang mas madaming mabakunahan lalo na sa malalayong mga lugar.

Ayon sa DOH, 62.3-M na mga Pilipino na ang fully vaccinated sa bansa.

Nguni’t nasa 9.6-M pa lang ang nakakatanggap ng kanilang booster doses.

Ayon sa DOH, ang malawak na vaccination coverage ay nakatulong sa pagbaba ng COVID case.

Katunayan noong Sabado at Linggo (February 19-20), nasa mahigit 1,000 na lang ang naitalang kaso kada araw.

Inaasahan pagpasok ng Marso ay hindi na aabot sa 1,000 ang maitatalang COVID-19 cases kada araw sa bansa basta’t mananatiling responsable ang publiko sa pagsunod sa health at safety procotols.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: