Babantayan ng Department of Environment and Natural Resources ang karagdagang anim na water sources na isinama sa listahan ng water quality management areas o WQMA.
Ito ay upang maproteksyunan ang mga ito sa polusyon at madagdagan ang mapagkukunan ng malinis na tubig sa bansa.
Kabilang sa mga bagong isinama sa listahan ng WQMA ang Nagguilan River System sa La Union, Cañas-Maalimango Rivers sa Cavite, Ayala River sa Zamboanga City, Taoloan River Basin sa Misamis Oriental, Talomo River sa Davao City, at Lake Sebu sa South Cotabato.
(UNTV RADIO)
Tags: Department of Environment and Natural Resources, water source
Metro, Manila Philippines – Balak ipasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa susunod na linggo ang mga establisyimentong nakitaan ng paglabag at responsable sa pagdumi ng Manila bay.
Nadiskubre ang isang kahina-hinalang bagay sa pampang habang naghuhukay ang isang excavator operator, kaya’t isang bomba ang nadala ng kaniyang equipment
“Noong pagdakot po namin, pag-angat po ng bucket nakita ko po iyong parang ano ng bote. Nung nakita ko ang nilapitan ko iyong tanso. Paghipo ko medyo gumalaw, sabi ko oy bomba ‘to ah. Binuhusan namin ng tubig iyon talagang bomba na tumawag kami ng bomb squad” tinig ni Excavator operator Rodolfo escalera
Itinurnover naman kaagad sa explosives ordinance division ng Manila police district ang naturang bomba.
“This is a vintage bomb. For what i heard world war 2 bomb pa ito. And no worries, first ang atin pong manila police district ay inaksyunan naman kaagad ng explosives ordinance division nila na talagang safely nadala naman sa manila police district” pahayag ni DENR Benny Antiporda.
Sa gitna ng patuloy na rehabilitasyon ng DENR, binabalak na rin nitong ipasara ang ilang establisyimiyentong nakitaan ng paglabag at nagiging sanhi ng patuloy na pagdumi ng Manila bay..
“Well mayroon kaming mga nakitang mga hotels, restaurants, basically karamihan restaurants talaga iyong clean water act. Iyon ang unang unang violation nila wherein iyong inilalabas nila from their establishment” ani DENR Benny Antiporda .
Samantala, isang swimmable area o lugar na ma-aari nang languyan na bahagi ng Manila bay ang natukoy na rin ng ahensya sa Mariveles, Bataan
Tinatayang nasa 100 to 200 most probable number (MPN) na lamang ang coliform level sa naturang lugar na angkop nang paliguan batay sa report na kanilang natanggap.
“Matatandaan niyo na nasabi natin dito sa denr na within 6 months to 1 year eh meron tayong magiging swimmable area ” ayon kay DENR Benny Antiporda
Paalala ng denr bagaman posible nang malanguyan ang bahaging iyon sa bataan hindi pa rin ligtas na lumangoy sa Manila bay sa may bahagi ng Roxas Boulevard.
Enero ngayong taon nang umpisahan ang mabusising paglilinis sa pampang at pagbabawal sa mga bumubisita na maligo doon.
Habang patuloy pa rin ang pagsasagawa ng dredging and desilting operations at paglilinis sa mga esterong pumapaligid sa ilalim ng Manila bay rehabilitation.
(Mai Bermudez | Untv News)
Tags: Department of Environment and Natural Resources, manila bay
Umabot na sa 7 mining operation sa bansa ang sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources.
Nasa Zambales ang 4, 2 sa Palawan at ang pinakabago ay ang Ore Asia na nasa Doña Remedios Trinidad.
Hindi nakaabot ang mga ito sa standard o panuntunan ng responsible mining.
Ayon sa DENR, kailangang palitan ng mga mining company ang mga punong pinutol at linisin ang ilog at mga lugar na napinsala.
Sa ngayon ay nasa 40 ang mining operations na sumasailalim sa auditing ng DENR.
Iniimbestigahan pa rin ng DENR ang isiniwalat ni Zambales Governor Amor Deloso na umano’y pagbebenta ng lupa mula sa Zambales upang ipanambak ng China sa scarborough shoal.
Ang scarborough shoal ay may layo lamang na 124 nautical miles mula sa Zambales.
Isa ito sa mga lugar na inaangkin ng China bilang bahagi ng kanilang nine-dash-line subalit pasok parin ito sa 200 nautical miles ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ayon kay Secretary Gina Lopez, mahigpit nilang babantayan ngayon ang aktibidad sa mga ipinahintong mining site kasama ang mga law enforcement agency.
Isang memorandum of agreement ang nilagdaan ng DENR, DILG, DND at DOTr, upang mahigpit na ipatupad ang mga environmental law sa bansa lalo na sa illegal fishing at illegal logging.
(Rey Pelayo/UNTV Radio)
Tags: Department of Environment and Natural Resources, mining operation
Epektibo na simula kahapon ang 72-hour notice ng Department of Environment and Natural Resources para sa lahat ng mga kandidato sa Cebu.
Sa loob ng tatlong araw, kailangang alisin ng mga kandidato ang kani-kanilang campaign materials na ipinaskil sa mga puno.
Alinsunod ito sa Republic Act Number 3571 na nagbabawal sa paglalagay ng anumang bagay na maaaring makasira sa mga puno at halaman.
Ngayong panahon ng pangangampanya, naglipana ang campaigan materials sa mga kalsada na ikinabit pa sa mga puno at mga kawad ng kuryente kaya dodoblehin ng DENR ang kanilang pagbabantay.
Nakikipagtulungan na rin ang kagawaran sa environmental lawyers para sa pagsampa ng reklamo sa mga lumalabag sa batas hinggil sa environment and natural resources pati na sa mga regulasyong ipinatutupad ng commission on elections.
(Gladys Toabi/UNTV NEWS)