60 barangay officials na nasa narco list, nanalo sa katatapos lang na barangay at SK elections – PDEA

by Radyo La Verdad | May 17, 2018 (Thursday) | 4330

Ipinahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na animnapu mula sa 207 barangay officials na nasa narco list ng pamahalaan ang nanalo sa katatapos lang na barangay at SK elections.

Ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino, tatlumput anim sa mga ito ay barangay chairman at dalawampu’t apat naman ang councilor.

Sinabi pa ni Aquino na ginamit umano ng mga ito ang drug money para bumili ng boto.

Patuloy din aniya ang ginagawa nilang paghahanda sa pagsasampa ng kaso sa mga nasabing opisyal na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Tags: , ,