600 Chinese nationals na dawit sa illegal online gambling sa Clark, Pampanga, pinalaya na

by Radyo La Verdad | December 22, 2016 (Thursday) | 1133

jack-lam-workers
Nakalaya na ang anim na raang Chinese nationals na kabilang sa mga hinuli dahil sa kaso ng online illegal gambling sa Fontana Casino sa Clark, Pampanga.

Ayon sa Department of Justice, naglagak ng halos tatlumpung milyong pisong piyansa ang mga akusado sa pamamagitan ng law firm na may hawak sa kaso ng Chinese gambling tycoon na si Jack Lam.

Kahapon pa nakalabas mula sa pagkaka-detain sa Fontana Convention Center ang mga Chinese nationals ngunit hindi pa rin naman sila papayagang makalabas ng bansa dahil sa kinakaharap na kaso.

Sa ngayon ay nasa six hundred forty pang Chinese nationals ang naka-detine sa loob ng Fontana sa Clark.

Tags: , ,