65 patay mahigit 300 sugatan sa pagsabog ng bomba sa Lahore Pakistan

by Radyo La Verdad | March 29, 2016 (Tuesday) | 869

PAKISTAN
Aabot sa 65 ang nasawi na ang karamihan ay mga bata at babae sa pagsabog sa Lahore Pakistan.

Naganap ang pagsabog sa parking lot ng isang children’s park kung saan maraming tao ang nagdiriwang ng holiday.

Ayon sa mga otoridad nasa mahigit tatlong daan din ang nasugatan sa pambobomba .

Inako ng Taliban faction na Jamaat-Ul-Ahrar ang pagatake na sinasabing target ang Christian community.

Pansamantala munang ipinasara ang lahat ng Recreational Park sa siyudad at pinayuhan ang mga residente na manatili muna sa kanilang mga tahanan

Nagdeklara narin ng tatlong araw na pagluluksa ang Punjab government para sa mga biktima ng pambobomba.

(UNTV NEWS)

Tags: