70% ng mga Pilipino, nananatiling kuntento sa pamumuno ni Pang. Duterte – SWS survey

by Radyo La Verdad | April 12, 2018 (Thursday) | 4592

 

 

 

Muling nakakuha ng ‘very good’ satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte sa first quarter ng kasalukuyang taon.

Batay ito sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS na isinagawa noong March 23 to 27 sa 1,200 na respondents.

Dahil dito, mayroong +56 net satisfaction rating si Pangulong Duterte na may dalawang porsyentong ibinaba kumpara sa nakuhang nitong +58 rating noong December ng nakaraang taon.

Ayon sa SWS, nakakuha ang Pangulo ng pinakamataas na satisfaction rating sa Mindanao na umabot sa +82 net satisfaction mula sa +80 noong Disyembre.

Napanatili naman ang rating ng Pangulo sa mga residente ng Metro Manila na may +54 net satisfaction rating at sa Visayas na may +65  net satisfaction rating.

Bagaman nasisiyahan ang ilang mga Pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte, hinihiling pa rin ng iba ang mas maayos na pamumuno ng Presidente.

(Asher Cadapan, Jr. / UNTV News Correspondent)

Tags: ,