Suspension order kay Makati City Mayor Junjun Binay, naisilbi na ng DILG

by monaliza | March 16, 2015 (Monday) | 811
JUNJUNBINAY_TRO 031315

File photo: Makati City Mayor Junjun Binay

 

Dumating sa Makati city hall si DILG-NCR Director Renato Brion para isilbi ang 6 month preventive suspension na ipinalabas ng Ombudsman laban kay Makati city Mayor Junjun Binay

Nag-ugat ang paglabas ng preventive suspension kaugnay sa umano’y anomalya sa pagpapatayo ng Makati City Parking 2 building

Pero sa halip na personal na isilbi ang preventive suspension, ipinaskil na lamang ito ng mga tauhan ng PNP at DILG sa harap ng gusali ng pamahalaang panlungsod.

Nitong nakaraang linggo, hinamon ni Mayor Binay si DILG Sec. Mar Roxas na siya mismo ang magsilbi ng suspension order.