8 barangay sa Cabanatuan City, Nueva Ecija lubog sa tubig baha

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 7085

GRACE_LUBOG
Nagdeklara kaninang alas singko ng madaling araw si Governor Aurelio Umali ng suspension ng klase sa lahat ng antas ng paaralan sa lalawigan ng Nueva Ecija dahil sa nararanasang tuloy-tuloy na pag-ulan dahil sa bagyong Nona.

Bagamat walang ibinabang storm warning signal ang pagasa sa naturang lalawigan, pasado alas otso y medya pa lamang ng umaga ay lubog na sa tubig baha ang walong barangay sa Cabanatuan city.

Kabilang na dito ang Barangay Imelda, Caridad, Magsaysay, Aduas Sur, Valle Cruz, Mabini Extension, Villa Luz at Sta.Arcadia.

Hindi na rin madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang calabasa national hiway sa bayan ng Gabaldon matapos ang landslide sa lugar.

Maging ang kalsada sa kahabaan ng Barangay Tagpos sa bayan ng Sta.Rosa ay hindi rin madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan matapos malubog sa hanggang baywang na tubig baha.

Patuloy naman ang pag apaw ng tubig sa ilog sa Barangay Cojuangco Sta.Rosa.

Sa ngayon, inihanda na ng otoridad ang mga rescue equipment sakaling kailanganin.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,

Pagtatanim ng high value crops, itinataguyod ng DA sa mga magsasaka sa Nueva Ecija

by Radyo La Verdad | December 13, 2018 (Thursday) | 43086

Pinangunahan ng Department of Agriculture (DA) at ilang ahensya ng pamahalaan ang pagbubukas ng dalawang bagong processing plant at pagkakaloob ng ilang processing equipment sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kahapon. Ito ay bahagi ng programa ng DA sa ilalim ng high value crop development program.

Magsisilbi itong processing plant ng Golden Beans and Grains Producers Cooperative para sa paggawa ng iba’t-ibang produkto mula sa soybeans gaya ng soya milk, soya coffee at iba pang produktong mula sa soybeans.

Ayon sa DA, malaki ang demand ng soybeans sa bansa kayat mahalaga na mapalawak pa ang pagtatanim at mapataas ang produksyon nito upang matugunan ang pangangailangan ng mga consumers sa soybeans.

Batay sa datos ng DA, lima hanggang anim na porsyento lamang ng soybeans ang naitatanim ng mga magsasaka sa Pilipinas.

95% ang inaangat na soybeans sa ibang bansa o 7,000 metric tons kabilang ang na ang mga soya  ingredients  na inihahalo sa pagkain ng mga livestock, malinaw na kulang pa para sa ating pangangailangan.

Hinihikayat din ng Golden Beans and Grains Producers Cooperative ang kanilang kapwa magsasaka na taniman ng soya beans ang kanilang sakahan na hindi masyadong inaabot ng irigasyon upang mapakinabangan ang kanilang lupa.

Batay sa datos ng kooperatiba, mula 2013 ay labing pitong ektarya ang kanilang natataniman ng soybeans. Tumaas ito sa limampung ektarya ngayong taon dahil sa mataas ang demand.

Target ng kooperatiba na makapagtanim pa ng soybeans sa dalawang daang ektaryang lupa ngayong dry season sa susunod na taon.

Tutulungan din ng DA at kooperatiba ang mga magsasaka sa Rehiyon I  ngayong dry season na i-convert ang kanilang sakahan mula sa tanim na tabako ay magiging soybeans na lamang.

 

( Danny Munar / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Nueva Ecija, naghanda rin sa pagpasok ng Bagyong Rosita

by Radyo La Verdad | October 30, 2018 (Tuesday) | 26564

Alas tres ng madaling araw kanina nang magsimulang maramdaman ang banayad na pag-ulan na may kasamang hangin sa Nueva Ecija.

Sinuspinde na rin ng provincial government ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa buong lalawigan.

Bagaman wala pang naitatalang nagsilikas na residente mula sa low lying areas, tiniyak ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na nakahanda na ang lahat ng kanilang mga tauhan at heavy equipment.

Nakahanda na rin ang isang libong food packs na ipamamahagi sa mga mangangailangang residente.

Samantala, nasa dalawang daang mga katutubong ang stranded at kasalukuyang nasa pangangalaga ng PDRRMO dahil hinihintay nila ang sasakyang pauwi ng bundok ng Sierra Madre.

Ang mga ito ay dumalo kahapon sa isinagawang araw ng mga katutubo.

Sa ngayon ay patuloy ang monitoring ng PDRRMO sa mga lugar na madalas ang landslide at pagbaha sa lalawigan.

Nananatili pa ring normal ang level ng mga pangunahing ilog sa buong lalawigan.

 

( Danny Munar / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Ilang magsasaka sa Nueva Ecija, maagang inani ang tanim na palay dahil sa banta ng Bagyong Rosita

by Radyo La Verdad | October 29, 2018 (Monday) | 21253

Kabilang sa itinuturing na low lying area ang isang ektaryang sakahan ng palay ni Mang Nardo Francisco sa Nueva Ecija.

Katapusan ng Hulyo aniya nang kanyang taniman ng inbreed rice seed ang kanyang lupa at sa kalagitnaan pa ng Nobyembre sana niya itong aanihin.

Subalit nang mabalitaan na may parating na malakas na bagyo ay dali-dali na niya itong ipina-ani kahit wala pa sa panahon.

Ayon kay Mang Alfred, dahil kulang pa sa araw, 70% na lang nito ang kanilang maibebenta.

 

( Danny Munar / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

More News