8 Lungsod sa Metro Manila at Bacoor, Cavite, mawawalan ng tubig sa susunod na Linggo

by erika endraca | April 12, 2019 (Friday) | 351

Manila, Philippines – Magpapatupad ng water interruption ang Maynilad sa susunod na Linggo dahil sa isasagawang maintenance at papalit ng mga tubo at balbola.

Pinaka apektadong lugar  ang Valenzuela City na 3 gabing mawawalan ng tubig mula April 17 – 20.

Mawawalan din ng tubig ang Malabon at Navotas sa Martes.

Sa Quezon City naman, walang tubig sa ilang mga siniserbisyuhan ng Maynilad mula gabi ng Miyerkules hanggang umaga ng Huwebes.

Samantala mawawalan din ng tubig sa Maynila , Pasay , Las Piñas, Parañaque at Bacoor, Cavite.

Tags: