8 sa 10 Pinoy, tiwala at sang-ayon sa pagganap ng tungkulin ni Pangulong Duterte – Survey

by Erika Endraca | July 18, 2019 (Thursday) | 1394
Larawan mula sa The Manila Times Online

MANILA, Philippines – Nananatiling malaki ang tiwala ng mga Pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga isyung hinaharap ng kaniyang administrasyon.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, 85% o 8 sa bawat 10 Pilipino ang nagtitiwala at sang-ayon sa mga hakbang na ginagawa ng pangulo.

Isinagawa ang survey na may 1,200 respondents nitong June 24 hanggang 30 sa kasagsagan ng isyu ng pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank at sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na pinayagan niyang mangisda ang mga Chinese sa Exclusive Economic Zone ng bansa.

Samantala, tumaas din ang trust at approval ratings nina Vice President Leni Robredo at Senate President Vicente Sotto III.

May bahagyang pagtaas din sa nakuhang ratings nina Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin at dating House Speaker Gloria Arroyo.

Tags: ,