97 na tambay na lumabag sa mga city ordinances, hinuli sa Pasay City

by Radyo La Verdad | June 19, 2018 (Tuesday) | 8370

Umabot sa siyamnapu’t pitong katao kabilang ang mga menor de edad ang hinuli ng mga pulis sa isinagawa nitong Oplan Tambay sa iba’t-ibang lugar sa Pasay City kagabi.

Ang mga ito ay mga walang damit pang-itaas o half naked, umiinom ng alak sa pampublikong lugar, o mga menor de edad na lumabag sa curfew hour.

Ang mga nahuli ay dinala sa Pasay City police headquarters at isasailalim sa inquest proceedings.

Habang ititurn-over naman ang mga menor de edad sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,