Abbreviation ng bagong rank classification ng PNP, inilabas na

by Radyo La Verdad | March 26, 2019 (Tuesday) | 6477

METRO MANILA, Philippines – Mayroon nang abbreviation ang bagong rank classification ng Philippine National Police (PNP) alinsunod sa Republic Act 11200 na pinirmahan ng Pangulo noong Pebrero.

Sa inilabas na Memorandum Order ng Office of the Directorial Staff, inuutusan nito ang lahat ng pulis upang gamitin ang bagong tawag sa ranggo at kung paano isulat ito.

Matatandaang bago ilabas ang abbreviation ng bagong rank classification ay hinintay pang matapos ang 15 publication sa Official Gazette at ang implementing rules and regulations ng RA 11200.

Tags: , ,