Aberya sa Gcash, iniimbestigahan ng PNP-Anti Cybercrime Group

by Radyo La Verdad | May 16, 2023 (Tuesday) | 4890

METRO MANILA – Nag-iimbestiga na rin ang Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) sa nangyaring glitch sa GCash noong isang Linggo.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo,  ito’y bukod pa sa imbestigasyon na ginagawa ng National Privacy Commission at ng PNP – Directorate for Information and Communication Technology Management (DICTM).

Sinabi pa ni Col. Fajardo na nag umpisa na ang ACG na mangalap ng mga karagdagang ebidensya ukol dito.

Sa ngayon, pinalalakas din aniya ng PNP-ACG ang kanilang cyber patrolling.

Tags: ,