Abu Sayaff kidnaper at 2 kasamahan nito sumuko sa AFP sa Sulu

by Erika Endraca | November 2, 2020 (Monday) | 3331

Kusang sumuko ang 3 myembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa 6th special forces battalion ng Armed Forces of the Philippines AFP sa Sulu nitong Biyernes (Octobre 30).

Kinilala ang mga ito na sina Alyas Dexter na sangkot sa pagdukot sa 5 indonesian seafarers noong January 16 nitong taon sa karagatang sakop ng Malaysia, kasama rin sa sumuko si Abu Sadad at Alyas Splakang.

Si Dexter ay kilalang myembro ng Kidnap-for-Ransom Group at kasama din ito sa nakipagbakbakan kontra militar sa Sucare Island Parang, Sulu noong January 18.

Ayon kay Dexter, napilitan lang umanong siyang sumama sa mga aktibidad ng bandidong grupo dahil sa banta sa kanyang buhay.

Kasamang isinuko ng 3 ng isang M1 carbine, isang G1 battle rifle at isang M1 garand rifle.

(Mj Fiel | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,