Adjusted Mall Hours epektibo na; Road reblocking tuwing Weekend ipagbabawal muna ng MMDA

by Erika Endraca | November 12, 2019 (Tuesday) | 2077

METRO MANILA – Magbubukas na ng  11 AM ang 80 – 100 mall sa Metro Manila. Epektibo ito simula Kahapon (Nov. 11) hanggang sa January 2020.

Ito ay upang maibsan ang rush hour sa umaga ayon sa Metro Politan Manila Development Authority (MMDA). Hindi na  rin muna maaaring mag sale ang mga mall mula Lunes hanggang Biyernes maliban sa mga nauna nang nag – anunsyo ng sale sa darating na a-kinse.

Samantala ayon pa sa MMDA bawal na rin munang magsagawa ng road re blocking kapag weekend maliban na kung kailangang kumpunihin para sa safety ng mga motorista.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,