AFP, bubuo ng task force na tututok sa kampanya laban sa iligal na droga

by Radyo La Verdad | February 20, 2017 (Monday) | 4158


Bubuo ang Armed Forces of the Philippines o AFP ng task force na susuporta sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa kampanya laban sa iligal na droga.

Sinabi ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año na ang task force ay katumbas ng isang batalyon na umaabot sa tatlo hanggang walong daang sundalo.

Nire-review na ng PDEA at AFP ang Memorandum of Agreement para sa pagsasanib puwersa ng mga sundalo at PDEA.

Ang executive order na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay ng AFP upang ipatupad ito.

Tags: , ,