AFP, ginagawa ang lahat ng makakaya upang matapos ang krisis sa Marawi – Col. Arevalo

by Radyo La Verdad | July 13, 2017 (Thursday) | 850


Gagawin ang lahat ng makakaya ng Armed Forces of the Philipines upang matapos na ang kaguluhan sa Marawi City.

Ito ang sinabi ni AFP Spokesperson Col. Edgar Arevalo matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes na maaring mangailangan pa ng sampu hanggang labing limang araw upang tapusin ang paghahasik ng kaguluhan sa Marawi City ng Maute Terrorist Group.

Sinabi rin ni Arevalo na ang pangulo ay palaging nabibigyan ng updates hinggil sa development sa pagbawi ng pwersa ng pamahalan sa Marawi.

Sa July 22 ay magtatapos na ang 60 day period ng Martial Law declaration sa Mindanao dalawang araw bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Tags: , ,

Leave a Reply