AFP ikinatuwa ang pag-apruba ng 25billion pesos para sa modernization funds

by Radyo La Verdad | July 22, 2015 (Wednesday) | 1430

AFP-logo
Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines ang pag-apruba ng dalawampu’t limang bilyong pisong budget bilang bahagi ng modernization program ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Base sa pahayag ni AFP Public Affairs Office chief Lieutenant Colonel Noel Detoyato, pag-uusapan pa ng mga senior leaders ng militar kung ano ang prayoridad na bibilihing kagamitan.

Dagdag pa nito na hindi lamang ang army ang makikinabang sa mga bibilhing kagamitan maging ang navy at Philippine air force. Aniya nakapaloob sa dalawampu’t limang bilyong piso ang pagbili ng kagamitan na pwedng gamitin sa internal at external defense.

Una nang lumutang na kabilang sa bibilhing gamit ng afp ay ang dalawang frigates, dalawang twin engine long range patrol aircraft at tatlong aerial surveillance radars.

Samantala nakatakdang dumating ngayong taon ang dalawang fighter planes.(Ara Mae Dungo/UNTV Radio Correspondent)