Abu Sayyaf, nasa likod ng pambobomba sa Basilan

by Radyo La Verdad | August 1, 2018 (Wednesday) | 5540

Miyembro ni Abu Sayyaf Leader Furuji Indama ang driver ng van na pinasabog sa isang checkpoint sa Brgy. Colonia Lamitan City, Basilan kahapon ng umaga.

Ayon kay AFP Spokesperson Marine Col. Edgard Arevalo, bago pa ang pagsabog ay nakatanggap na sila ng intelligence report na may plano ang naturang grupo kaya agad silang naglagay ng checkpoints.

Hindi naman kumpirmado ang ulat na dayuhan ang nasabing driver ng van.

Umapela rin ang AFP sa publiko na iwasan ang mga haka-haka kaugnay ng insidente hangga’t hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Tinawag din ng AFP na desperado na ang grupo ni Indama upang pigilan ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf na magbalik-loob sa pamahalaan.

Kinondena naman ng Malakanyang ang anila’y terror attack na ikinasawi ng 11 tao kasama ang suspek at pagkasugat ng 7 iba pa.

Kaugnay nito, pinaigting ng mga otoridad ang pagsasagawa ng checkpoint operations, foot patrols at police visibility upang mapigilan kung may iba pang masamang plano ang mga terorista sa lalawigan.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,