AFP naglunsad ng panibagong airstrike at artillery fire kontra BIFF

by monaliza | March 12, 2015 (Thursday) | 506

AIRSTRIKE_BIFF 031315

Muling naglunsad ng airstrike o aerial bombardment  ang Armed Forces of the Philippines  laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighter.

Bukod dito nagkaroon din ng artillery fire sa Barangay Tee, Datu Piang, Maguindanao kung saan nakita ng mga militar ang isang grupo sa pangunguna ni Kumander Karialan na kilala bilang Chief of Staff ng BIFF  at malapit sa BIFF leader na si Kumander Ameril Umbra Kato.

Sa ngayon, ayon sa militar si Kumander Karialan ang isa sa nagsisilbing tagapanguna sa grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters dahil sa napabalitang nagkakasakit at mahina na umano si Umbra Kato.

Naniniwala ang militar na malaking kawalan sa grupo ng BIFF kapag magawang mapatay o mahuli si Kumander Karialan dahil na rin sa naging impluwensiya nito sa grupo.Dante Amento,UNTV News Correspondent )

Tags: , , ,