AFP, nanawagan sa publiko na huwag basta maniniwala sa mga grupo na nanghihikayat na sumama sa kanila

by Radyo La Verdad | September 27, 2018 (Thursday) | 1391

Nanawagan sa publiko ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na huwag basta-basta maniwala at sumama sa mga grupo na kunwari ay nagmamalasakit sa taumbayan.

Ayon kay Tenth Infantry Division Spokesperson Captain Jerry Lamosao, agad hanapan ang mga ito ng ID kung nagpapakilala na mga empleyado ng pamahalaan.

Aniya, dapat matiyak ang krebilidad ng mga ito dahil gumagawa ng hakbang ang mga kalaban ng pamahalaan para siraan ang gobyerno sa taumbayan.

Tiniyak naman ng Eastern Mindanao Command ng AFP na hindi magtatagumpay ang anomang planong panggugulo ng CPP-NPA sa rehiyon dahil sa ipinatutupad na mahigpit na seguridad ng Security Forces.

Tags: , ,