Air France Flight na patungong Paris na divert dahil sa threat

by Radyo La Verdad | December 9, 2015 (Wednesday) | 1415

AIR-FRANCE-FLIGHT

Isang Air France Flight mula San Francisco at patungong Paris ang na- divert sa Montreal dahil sa isang banta.

Ayon sa mga otoridad ang flight AF083 ay ligtas na nakalapag sa Montreal-Pierre Elliot Trudeau International Airport noong Lunes ng gabi.

Lulan ng eroplano ang dalawangdaan at tatlumput isang pasahero at labing limang crew.

Kaagad naman na nailabas ang mga pasahero at kaagad na nag- inspection ang mga otoridad sa eroplano

Hindi naman inihayag ng mga otoridad kung anong uri ng pagbabanta ang kanilang natanggap.

Tags: , ,