Airport security personnel, nagsauli sa pasahero ng bagaheng naglalaman ng 1.5 milyong piso

by Radyo La Verdad | August 3, 2018 (Friday) | 926

Isang bag na naglalaman ng 1.5 milyong piso ang isinauli ng mga airport personnel sa pasaherong nakaiwan ng bag sa Puerto Princesa International Airport sa Palawan.

Base sa salaysay ng mga otoridad, natagpuan ang naturang bag sa tabi ng flower box sa arrival area ng paliparan.

Agad na ininspeksyon ng mga security personnel ang bagahe at nakita sa loob nito ang mga bungkos ng pera kasama ang itim na wallet na naglalaman ng mga ID na pag-aari ng nagngangalang Danilo Dequito.

Ilang sandali pa dumating na si Dequtio sa arrival area at hinahanap ang kanyang naiwang bag.

Nang makumpirma ng mga otoridad ang kanyang pagkakakilanlan, agad na ibinalik dito ang  bag na naglalaman ng malaking halaga.

Pinuri naman ni Transportation Secretary Tugade ang ipinakitang katapatan at pagiging propesyonal ng mga nasabing airport employees.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,