Aksidente sa pagitan ng truck at tricycle, nirespondehan ng UNTV News and Rescue sa Bulacan

by Radyo La Verdad | September 24, 2018 (Monday) | 3628

Namimilipit sa sakit ng ulo at likod ang lalaking ito nang datnan ng UNTV News and Rescue Team habang nakahiga sa kalsada sa Mac Arthur Highway sa Barangay San Juan sa Balagtas, Bulacan noong Sabado ng ala una ng madaling araw.

Agad ini-assess ng UNTV Rescue ang biktima na kinilalang si Francisco Morales, tatlumpu’t tatlong taong gulang at nakatira sa Barangay Calvario sa Meycauayan, Bulacan.

Kwento ng driver na si Jimmy Ganal, bumangga sa minamaneho nyang truck ang  kasalubong na tricycle na minamaneho ng biktima nang bigla nitong iwasan ang isang motorsiklo.

Pagkatapos lapatan ng pangunang lunas ay isinugod na ng UNTV Rescue si Morales sa Bulacan Medical Center.

 

( Gerry Galicia / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,