Ama ng mga testigo sa Kian murder case, nagpapatulong sa VACC na mabawi ang mga anak

by Radyo La Verdad | September 12, 2017 (Tuesday) | 77

Nagpasaklolo umano sa grupong Volunteers Against Crime and Corruption ang ama ng mga batang testigo sa pagkamatay ni Kian Loyd de los Santos. Nais sana ni Roy Albuna Concepcion na makuha ang kaniyang 4 na anak.

Ayon kay Concepcion, walang pahintulot sa kaniya bilang ama ang pagkuha sa kaniyang mga anak ni Senator Riza Hontiveros para maging testigo sa Delos Santos murder.

Ikinagulat din umano ni Concepcion ang natuklasan na wala na pala sa Senado ang mga anak kundi nasa kustodiya na ng paring si Pablo David ng Archdiocese of Caloocan.

Ayon naman kay Atty. Jing Paras ng VACC, sinulsulan ng senadora ang dalawa sa mga anak ni Conception upang di sila makuha ng tatay nila.

Sa kaniyang privilege speech sa senado, dumipensa naman si Senator Hontiveros sa isyu.

Umapela naman si VACC founding chairman Dante Jimenez na huwag haluan ng political agenda ang kaso ni Kian Loyd Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at iba pa.

 

(Ragel Adora / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,

Leave a Reply