Ambush sa PDEA agents sa Lanao Del Sur noong Biyernes, planado – Aquino

by Radyo La Verdad | October 10, 2018 (Wednesday) | 1622

Binisita kahapon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ang isa sa mga tauhan na nakaligtas sa nangyaring ambush sa Lanao Del Sur noong Biyernes.

Kabilang si PDEA Agent Rachelle Ann Gentepanan sa dalawang nakaligtas, habang ang lima nitong kasama ay napatay sa nangyaring pananambang.

Iginiit ni Aquino na planado ang isinagawang ambush. Bukod sa posibleng involvement ng mga local politician, tinitignan din nila ang anggulong may kinalaman din dito ang mga pulis.

Tags: , ,