American yoga instructor, arestado dahil sa planong pang-aabuso sa mga menor de edad

by Radyo La Verdad | October 27, 2017 (Friday) | 2338

Pagkalapag pa lang sa NAIA Terminal 2, inaresto na ng PNP si Robinson Hoyt Alderman, isang sikwenta’y otso anyos na American yoga instructor noong October 15.

Ang Homeland Security ng Estados Unidos ang nag-timbre sa PNP upang maaresto ang suspek bago pa nito maisagawa ang kanyang planong pang-aabuso sa mga menor de edad.

Ayon sa Homeland Security, target ng suspect ang mga mahihirap at palaboy na mga batang babae para sa sexual exploitation. Isang social networking site ang siyang nagfeed sa Homeland Security upang mabulgar ang plano ni Alderman.

Iba’t-ibang sex toys at paraphernalia ang nakumpiska sa bagahe ni Alderman na gagamitin upang gumawa ng sex video. Plano ng suspect na gayahin ang pelikulang “ Fifty Shades of Grey” upang ibenta sa mga pedophile sa online market.

Na rescue naman ang mga menor de edad na biktima ng suspect. Sinampahan naman ng paglabag sa expanded anti-Human Trafficking Law si Alderman sa Department of Justice.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: ,