Amerika, kampeon sa Womens World Cup vs. Japan

by Radyo La Verdad | July 6, 2015 (Monday) | 971

world cup
Nagbunyi ang Amerika matapos masungkit ang inaasam na kampeonato sa Women’s World Cup

Tinalo ng U.S ang defending champion Japan sa score na 5-2 sa sagupaang ginanap sa Vancouver, British Columbia.

Huling nag-kampeon ang U-S sa World Cup noong 1999.

Pinangunahan ni midfielder Carli Lloyd ang U-S team na pinarangalan ng golden ball o pinakamagaling na manlalaro sa World Cup.

Ito na ang pangatlong tropeo ng America sa Women’s World Cup.

Tags: ,