
Tikom ang bibig ng Anti-Money Laundering Council at Luzon Development Bank nang tanungin ng mga senador kaugnay ng napa-ulat na kahina-hinalang transaksyon sa mga bangko. Kabilang na dito ang mga umano’y mga kwestyonableng bank account ni Comelec Chairman Andres Bautista.
Ayon sa pamunuan ng bangko, hindi sila maaaring basta magbigay ng impormasyon dahil sa umiiral na Bank Secrecy Law. Ngunit tiniyak ng LDB na sumusunod sila sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas at AMLC tungkol sa suspicious accounts.
Batay sa alegasyon ni Ginang Patricia Bautista, may tatlumpu’t-limang bank accounts sa LDB ang kaniyang asawa. Umaabot aniya sa 329-million pesos ang kabuuang balanse nito na taliwas sa halaga ng kanyang yaman na idinekla sa SALN.
Kaugnay nito, iniimbestigahan na rin ng AMLC at NBI ang nasabing Laguna-based thrift bank tungkol sa isyu.
Ayon naman sa NBI Anti-Fraud Division, may nakita na silang kahina-hinalang accounts sa naturang bangko. 2012 aniya nabuksan ang mga ito at isinara noong 2016.
Ayon sa legal adviser ni Mrs. Patricia na Atty. Lorna Kapunan, ito ang isa sa mga dapat ipaliwang ng poll chief kung bakit ang mga nakumpiskang yaman ay hindi napupunta sa bangko ng gobyerno. Hindi pa maidetalye sa pagdinig kung magkano ito at saang bangko nailipat ang mga nasabing bank account.
Kinuwestyon naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kapangyarihan ng NBI sa naturang imbestigasyon. Hinamon naman ni Senator Francis Escudero ang COMELEC chief na payagan ang mga otoridad na buklatin ang kaniyang bank accounts.
Samantala, plano ng senado na imbitahan sa susunod na pagdinig ang poll chief upang mabigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang kaniyang sarili sa usapin.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: AMLC, COMELEC, Comelec Chair Bautista
METRO MANILA – Inanunsyo ni Commission on Election (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na handa nang i-deliver ng South Korean firm na Miru Systems ang 110,000 Automated Counting Machines (ACMs) na gagamitin sa darating na 2025 mid-term election.
Sa pahayag ni Comelec Chairman Garcia, kontento ang komisyon at hindi sila nagkamali sa pagpili sa Miru bilang provider ng automated system para sa darating na eleksyon.
Noong nakaraang February 22, 2024, iginawad ng Comelec ang Full Automation System with Transparency Audit/Count (FASTRAC) na proyekto sa joint venture ng Miru Systems Co. Ltd., Integrated Computer Systems, St. Timothy Construction Corporation, at Centerpoint Solutions Technologies Inc.
Nagpasalamat din si Garcia sa South Korean company sa pagpapakita sa Comelec team kung paano ang manufacturing ng ACMs.
Tags: COMELEC, Miru SYstem
METRO MANILA – Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na maaabot nito ang magandang voter turnout para sa overseas voting sa darating na 2025 midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson Director John Rex Laudiangco, target nilang ma-hit ang 70% hanggang 80% ang voter turnout target.
Positibo ang ahensya na maaabot ito dahil sa kauna-unahang gagawin na internet o online voting kung saan gamit lamang ang gadgets ay maaari nang bumoto.
Noong 2022 national and local elections nasa 38% lamang ang voter turnout ng overseas voting o 600,000 ang bumoto sa 1.6 million na rehistradong botante.
Tags: COMELEC, Internet Voting
METRO MANILA – Muling nagpaalala ang Commission on Election (COMELEC) sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat na magparehistro bilang botante para sa darating na 2025 midterm election.
Maaaring magparehistro ang ating mga kababayan na nagtatrabaho o permanenteng naninirahan sa labas ng bansa.
Maaari rin na magparehistro ang mga pinoy na nasa ibang bansa sa araw ng national election.
Kinakailangan lamang dalhin ng aplikante ang kanilang valid Philippine passport sa pinakamalapit na Philippine embassy o konsulado ng bansa, o kaya naman ay sa registration centers sa Pilipinas.
Tags: COMELEC, OFW, voter registration