Andrews Avenue sa Pasay, maaari nang madaanan

by monaliza | March 24, 2015 (Tuesday) | 552

girder

Maaari nang daanan ang Andrews Avenue sa Pasay matapos maalis ang ilang humarang na debris ng bumagsak na girder launcher sa ginagawang Skyway Project.

Pasado alas-10 kagabi nang buksan ng MMDA sa mga motorista ang magkabilang lane nito na isinara dahil sa aksidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Department of Public Works and Highways, posibleng mechanical failure o operator error ang sanhi ng pagbagsak ng girder launcher.

Sa ngayon ay pansamantalang itinigil ang konstruksyon sa Skyway habang iniimbestigahan pa ang insidente at hindi pa tiyak kung kailan ito maitutuloy.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0