Andy Murray, naniniwalang kailangang pang mag-improve upang makuha ang French open title

by Radyo La Verdad | May 18, 2016 (Wednesday) | 710

andy-murray
Ipinahayag ni Italian open winner Andy Murray na kailangan pa niyang i-improve ang kanyang clay court game upang magkaroon siya ng tsansa na mapanalunan ang French open.

Tinalo ni Murray si world number one at top seed Novak Djokovic sa straight sets upang tanghaling kampeon ng Italian open.

Si Murray ang kauna-unahang Briton na napagwagihan ang Italian open mula noong 1931.

Ang 6-3 6-3 victory ni Murray kay Djokovic sa finals ng Italian open ay tumagal ng isang oras at tatlumpu’t limang minuto.

Naging masungit si Djokovic sa laban at ilang beses na umangal sa umpire na madulas daw ang court ng Foro Italic.

Magsisimula ang French open sa susunod na linggo.

(UNTV NEWS)

Tags: